Mag-utol inutas ng NPA

MAKILALA, North Cotabato , Philippines – Napaslang ang mag-utol na magsasaka matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng ilog sa Barangay Cabilao sa bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-utol na sina Marlon at Randy Sulutan na kapwa nakatira sa Purok-Eden sa nabanggit na barangay.

Ayon kay Barangay Chairman Gideon Bugoy, si Marlon ay pangulo ng Barangay Defense System sa nasabing barangay.

Nabatid sa misis ni Marlon na noong Sabado ng gabi ay pinasok ng mga re­belde ang bahay ng pamilya Sulutan kung saan hina­hanap ang mag-utol.

 Dito na umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan natagpuan ang bangkay ng mag-utol na inabandona sa nasabing lugar.         

Sa pahayag ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, hindi makatarungan ang pagpatay sa magkapatid na Sulutan at ipinag-utos ang malalimang imbestigas­yon.  

Show comments