7 arestado sa pandurukot

BULACAN ,Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng pitong kababaihan na sinasabing sangkot sa pandurukot sa ilang residente sa taunang kapistahan sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt.Fernando Mendez Jr ang mga suspek na sina Erlinda Bautista, 62, ng Brgy. Rosario; Fatima Garces, 45; Asuncion Casim, 38, kapwa nakatira sa Brgy. Balite; Ofelia Joaquin, 43; Ester Chionlo, 43; Josita Pabalinas, 52; at Analyn Talbo, 49, pawang nakatira sa Barangay San Jose sa bayan ng Montalban, Rizal. Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay naaktuhan sa kanilang modus operandi sa taunang Flores De Mayo sa Barangay Poblacion. Narekobder naman sa mga suspek ang pitong cellphone at P7,000.

Show comments