Pader gumuho: 2 pisak

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang limang bata naman ang nasugatan makaraang gumuho ang riprap na pader ng subdi­vision sa Barangay Talamban, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Allan Oporto, traysikel driver at Nelson Tapdasan habang nasugatan naman sina Erica Mabuyao, 11; Erich Mabuyao, 6; Jorgie Tambangan, 9; Nel Marie Oporto, 5; at si Heroshe Engeto,12.

Ayon kay P/Senior Supt. Melvin Buenafe, naganap ang insidente sa Casa del Rio Subdivision, highway 77, dakong alas-7:30 ng gabi.

 Nabatid na matutulog na sana ang mga biktima nang gumuho ang pader  kung saan anim na kabahayan ang nawasak sa naturang lugar.

Kaugnay nito, pansamantalang pinalikas ang mga residente sa subdibisyon dahil peligroso ang lugar at kailangan pa itong ayusin.

Show comments