KIDAPAWAN CITY, Philippines - Isa na namang brodkaster ang napatay matapos pagbaba rilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bitan-agan, Mati City, Davao Oriental kahapon ng hapon.
Pitong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nestor Libaton, 45, anchorman/reporter ng dxHMAM radio na nakabase sa nasabing lungsod.
Ayon sa police report, pa uwi na ang biktimang nakamotorsiklo kaangkas ang isa pang reporter na si Eldon Cruz mula sa piyesta sa Barangay Ompao sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental nang maganap ang pamamaril.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sinundan ng tandem ang biktima mula sa Barangay Ompao at pag s apit sa may Barangay Enrique Lopez sa Mati City ay bumaba ang biktima at kinumpronta ang sakay ng motorsiklong sumusunod sa kanila.
Sa halip na sumagot ay niratrat ang biktima habang di-naman ginalaw si Cruz, ayon pa sa report.
Sa phone interview kay Nella Duallo, news writer ng nasabing radio station walang nababanggit sa kanila si Libaton na kaaway at hindi rin aniya ito hard hitting na anchorman.
“Mabuti ho siyang tao, wala naman kaming alam na kaaway niya,” ani Duallo kasabay ng pag-apela sa mga awtoridad na masusing imbestigahan ang kaso upang matukoy at maaresto ang gunmen.
Nangako si Mati City Ma yor Michelle Rabat na gagawin ang lahat para makamit ng pamilya ni Libaton ang hustisya.