CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na namang mister na sinasabing nangulila sa kanyang misis na nasa ibang bansa ang kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tagas sa bayan ng San Jose, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3:30 ng hapon nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Christian Candelaria, 32. Huling namataang buhay ang biktima na umiinom ng alak mag-isa sa loob ng bahay-kubo.Nabatid na dalawang taon nang hindi nagpapadala ng sulat o kaya tumatawag sa biktima ang kanyang misis.