Buntis inutas ni mister

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 32-anyos na buntis na misis matapos gilitan at saksakin ng kanyang mister na nagtangkang magpakamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Carsadang Bago 2 sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Angelita Gonzales, accountant ng Emerson International Company habang ang kanyang mister na si Manuel Gonzales na isang trike driver ay naisugod sa Phil. General Hospital matapos gilitan ang sarili. Lumilitaw na matinding selos ang umiral sa suspek kaya nagawang paslangin ang kanyang misis. Naging testigo sa krimen ang dalawang anak ng mag-asawa na katabi sa higaan nang isagawa ng suspek ang krimen.

Show comments