7 magsasaka nadale ng kidlat

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pitong magsasaka ang tinamaan ng matalim na kidlat kung saan isa ang nasawi sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Barangay Ragas sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte noong Lunes ng hapon. Idineklarang patay sa Marcos Hospital ang biktimang si Christopher Martin, 24, ng Barangay Santiago.Kabilang sa mga nasugatan na inilipat sa Mariano Marcos Memorial Medical Center sa Batac City ay sina Ferdinand Mariano, 45; Eddison Santiago, 45; Jimmy Quimoyog, 40; Carlito Viaje, 54; Erickson Guzon, 31; Timoteo Guira, 56. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Adriano Licudan, lumilitaw na nagpapahinga sa loob ng kubo ang mga magsasaka nang biglang kumidlat na tumama  sa  mga biktima kung saan ang nasawi ay nakababad pa ang paa sa tubig.

Show comments