^

Probinsiya

7-anyos binoga ng 12-anyos, patay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sabog ang bao ng ulo ng 7-anyos na batang lalaki makaraan itong barilin ng 12-anyos habang naglalaro ng cop vs robber sa bayan ng Linapacan, Palawan kamakalawa ng hapon. Sa phone interview, sinabi ng hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Raul Regala, naganap ang insidente sa Barangay Maruyog-Ruyog dakong alas-2 ng hapon. Sa imbestigasyon, nabatid  na walang kasama ang dalawang bata nang maisipang maglaro ng pulis vs magnanakaw. Kinuha ng batang suspek na itinago sa pangalang Ronron ang cal. 38 na baril ng kaniyang ama na nakatago sa loob ng kanilang tahanan matapos na magtungo ito sa bukid. Sa pag-aakalang laruan ay kinalabit nito ang gatilyo matapos na maghabulan ang dalawang bata kung saan tinamaan ang 7-anyos kung saan nasapul sa sentido na naglagos sa ulo nito. Nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima pero binawian na ito ng buhay makalipas ang isang oras. Inaresto naman ang ama ng suspek na kinilala nitong Jerson Catain, 37, na nahaharap sa kasong negligence at illegal possession of firearm.

vuukle comment

BARANGAY MARUYOG-RUYOG

INARESTO

JERSON CATAIN

KINUHA

LINAPACAN

NAGAWA

PALAWAN

RAUL REGALA

RONRON

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with