12-anyos natusta sa kidlat

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 12-anyos na totoy habang malubha naman ang kanyang kuya at ina matapos tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang kubo sa bulubunduking bahagi ng Barangay Rizaluna sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Octogen Bohangan habang kritikal naman ang kuya nito na si Jonathan, 14; at nanay na si Marjorie, 34. Nabatid kay Barangay Chairman Alvin Baligod na biglaang bumuhos ang malakas na ulan dakong alas-7 ng gabi kasunod ng mainit na maghapon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay gumuhit ang matalim na kidlat kung saan tumama sa kubo ng mag-iina.

Show comments