Lola todas sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Napatay ang 59-anyos na lola na tindera ng palamig at empanada sa palengke matapos ratratin ng riding-in-tandem ikinasugat naman ng katabi nitong tindera sa loob ng traysikel sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Myrna Salapongol habang tinamaan naman sa kaliwang braso ang kasama nitong si Irene Clemente. Sa ulat ni P/Insp. Cris Danao, hepe ng pulisya ng Sarrat, pauwi na sa kanilang tahanan mula sa paglalako ang magkaibigang tindera nang ratratin. Wala pa ring nabuong teoriya ang pulisya kaugnay sa pamamaslang sa matandang babae.

Show comments