^

Probinsiya

17 katao nasugatan sa road mishap

- Ni Raymund Catindig -

TUGEGARAO CITY, Philippines  - Nabahiran ng trahedya ang isang kasalan makaraang masugatan ang 17 katao na dadalo sa okasyon nang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan ng mga itong truck sa national highway ng Brgy. Madayegdeg, San Fernando City, La Union  kamakalawa ng hapon.

 Ayon kay Police Regional Office (PRO) 1 Spokesman Supt. Raul Romero, bandang ala-1:10 ng hapon ng maganap ang sakuna sa nabanggit na lugar.

 Kasalukuyang lulan ng Izusu Elf truck (PDV 748) na minamaneho ni Crispin Bao-in ng La Trinidad ang nasa 34 katao na dadalo sana sa kasalan sa San Gabriel, La Union nang aksidenteng pumutok ang unahang gulong ng behikulo.

 Bunga nito ay nagpagiwang-giwang sa kalye ang truck hanggang sa tuluyang sumadsad sa tabi ng highway at bumaligtad na ikinasugat ng 17 sa mga sakay nito.

 Idineklara namang nasa ligtas ng kalagayan sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang mga biktima na patuloy na nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

CRISPIN BAO

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

IZUSU ELF

LA TRINIDAD

LA UNION

POLICE REGIONAL OFFICE

RAUL ROMERO

SAN FERNANDO CITY

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with