5 bata sugatan sa explosion
MANILA, Philippines - Limang paslit ang nasugatan makaraang sumabog ang eksplosibong pinaglaruan ng mga ito sa Brgy. Lunzuran, Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Niko Enriquez, 7 anyos; James Joseph Reyes,10; Jericho Bahana, 12; Cyril Pilanga, 10 at Rommel Austero, 12 anyos; pawang residente ng nasabing lugar na isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Sa ulat ng Zamboanga City Police, naitala ang pagsabog sa Brgy. Lunzuran ng lungsod na ito dakong alas-6:55 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon, napulot ng mga bata ang hugis bilog na eksplosibo sa Brgy. Tumaga na inakala ng mga itong laruan at iniuwi sa kanilang tahanan.
Habang pinaglalaruan ang eksplosibo na pinukpok ng mga bata ay bigla itong sumambulat na ikinasugat ng mga biktima.
- Latest
- Trending