Estudyante lasog sa tren

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng 14-anyos na 2nd year high school student matapos masagasaan ng tren sa Barangay Villa Padua sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa. Bandang alas-4:20 ng madaling araw nang matagpuan ni Simeon Autor ang pisak na katawan ng biktimang si Jerico Cruz at sa tabi ng riles ng tren sa kanilang lugar. Agad itong inireport ni Autor kay Barangay Chairman Pancho Ona kung saan tumawag naman sa himpilan ng pulisya. Sa pahayag ng pamilya ng biktima, posibleng naupo sa tabi ng riles ang binatilyo na inakalang natutulog na sa kanilang bahay noong Martes ng gabi. Ang tahanan ng biktima ay may 4 metro lamang ang layo sa riles ng tren kung saan nakagawian nitong maupo sa riles sa tuwing nagpapalipas ng oras.

Show comments