Magpinsang nene nalunod

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang reunion ng magkakamag-anak matapos na malunod ang magpinsang nene sa beach resort sa Barangay San Miguel sa bayang ng Jose Panganiban sa Catanduanes kamaka­lawa. Hindi na naisalba pa ang buhay ng mga biktimang sina Angelica Ceballo, 9; at Joy Villanueva, 9, kapwa nakatira sa Barangay Taopon sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa swimming pool ng Del Rio Beach Resort kung saan hindi namalayan ng ilang kamag-anak ang paliligo ng mga biktima. 

Show comments