^

Probinsiya

Nagbigti dahil sa nobya

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines - Dala ng matinding selos nang hindi sagutin ng nobya ang kanyang mga text messages, nagpatiwakal ang 19-anyos na binata matapos itong magbigti sa puno ng niyog kamakalawa ng gabi sa Barangay Tikiwan sa bayan ng Calauag, Quezon. Ayon kay SPO1 Victor Beso, dakong alas-7 ng gabi ay dumalo sa birthday party ng kapitbahay ang biktimang si Jomar Avella, kasama ang mga magulang at ang kaibigang si Jovanne Tropane. Si Tropane ay sinasabing ex-boyfriend ng nobya ng biktima. Habang nasa kasayahan ay makailang ulit nagpadala ng text messages ang biktima sa kanyang nobya subalit hindi ito sumasagot. Nakaranas ng matinding panibugho ang biktima nang malaman nitong sa dating nobyo ito nakikipag-text kaya dalawang beses nitong ibinato ang cellphone kung saan nagmamadaling umalis. Natagpuan na lamang ng kanyang mga magulang na nakabitin sa puno ng niyog ang biktima na may 300-metro ang layo sa kanilang bahay.

vuukle comment

AYON

BARANGAY TIKIWAN

CALAUAG

DALA

HABANG

JOMAR AVELLA

JOVANNE TROPANE

NAKARANAS

SI TROPANE

VICTOR BESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with