Encounter: 6 NPA bulagta
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Anim na rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napatay matapos makipagsagupaan sa tropa ng military sa liblib na bahagi ng Sitio Tappo, Barangay Banawel sa bayan ng Natonin, Mt. Province noong Sabado ng umaga.
Batay sa ulat ng 5th Army Division na naka base sa Camp Melchor Dela Cruz sa bayan ng Gamu, Isabela; ang mga rebelde na pinamumunuan ni Arthur “Ka Liber” Talastas ay nakasagupa ng tropa ng 54th Army Infantry Battalion sa ilalim ni 2Lt Tinio.
Ayon naman kay P/Chief Supt. Benjamin Magalong, Cordillera PNP director, naglatag naman ng blocking force ang tropa ni Army 1Lt Delican para sagupain ang nagsiatras na NPA kung saan kabilang sa mga napatay na rebelde si Ka Peley ng Kalinga.
Nakubkob naman ang ilang kubo at outpost ng mga rebelde habang nasamsam naman ang anim na bala ang 40mm grenade launcher M203 HE, dalawang rocket-propelled grenade, dalawang telescope at mga dokumento na sinasabing high intelligence value.
Inalarma naman ni Magalong ang buong puwersa ng Cordillera PNP dahil sa posibleng paghihiganti mula sa mga rebelde. Raymund Catindig at Artemio Dumlao
- Latest
- Trending