P.7M ari-arian nilimas

QUEZON, Philippines - Aabot sa P.7 milyong halaga ng alahas, gadgets at foreign currencies ang natangay sa bahay ng 60-anyos na overseas Filipino worker matapos na pasukin ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Guisgus Talon sa bayan ng Sariaya, Quezon. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vilmor Manzano, dakong alas-4 ng madaling araw nang nagising si Eustacio Andal kung saan hinanap ang kanyang rolex divers watch (P.5-M) subalit nawawala ito sa kinalalagyan. Nawawala rin ang dalawang iPod, digitel camera, gintong kuwintas, US$200, 200 Swiss Frank at 150 Euro. May teyorya ang pulisya na sinamantala ng mga magnanakaw ang pagkakatulog ng biktima at kanyang mga kaanak nang pasukin ang bahay sa ikalawang palapag.

Show comments