Manggahan Festival tagumpay

MANILA, Philippines - Umani ng positibong reaksiyon mula sa mga organizers at turista ang matagumpay na Manggahan Festival kung saan kabilang dito ang bagong Mango Man Triathlon event.

Ayon kay Tourism Operations Officer na si Joneline Tana­leon ng lalawigan ng Guimaras, hindi matatawaran ang mga papuri ng mga sumaksi sa event.

Isa sa mga lumahok sa Mango Man Triathlon ang nagsabi na ligtas at maayos ang lungsod at masarap na balik-balikan ng mga turista.

Ang Mango Man Triathlon ay pinangunahan ni female Tri­athlon superstars LC Langit at Monica Torres, Ti­mugen  Mabasyon­, Romulo Balinas at Paul de Rama ang nanguna sa Triathlon relay habang si Franklin Peñalosa ang nanguna sa solo (male) cate­gory at si Monica Torres naman sa Triathsolo (female) category.

Show comments