Lola sunog sa pagtatabako

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang nakatulugan ng 98-anyos na lola ang kanyang pagtatabako matapos makulong at mamatay sa kanyang bahay na nasunog sa Barangay San Juaquin sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rufina Calaran na nagtamo ng second degree burn sa kanyang mga paa, kamay, dibdib at halos buong ulo nito. Kaagad namang naa­pula ang apoy sa kuwarto ng biktima kung saan naisugod sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital subalit hindi na rin nagtagal ang buhay ng lola. Pinaniniwalaang hindi na natinag ang matanda sa kanyang kinalalagyan habang nilalamon ng apoy dahil na rin sa katandaan.

Show comments