Mag-asawa, anak pinabulagta

MANILA, Philippines - Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa at ang isa nilang anak matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front rogue elements sa Barangay Itaw, South Upi, Maguindanao noong Martes ng gabi. Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division spokesman Col. Prudencio Asto, kinilala ang mga napatay na sina Sandayan Manguda at misis nitong si Pinya Manguda, kapwa 50-anyos. Samantala, namatay naman habang isinusugod sa Timanan Hospital, ang 21-anyos na anak na si Roxan Manguda sanhi ng pagkaubos ng dugo. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi ng habang nagpapahinga ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Manguda nang pagbabarilin.

Show comments