Nene ni-rape ng ka-txtmate

BULACAN, Philippines - Maagang nabasag ang pagkababae ng 13-anyos na nene matapos halayin ng kanyang ka-txtmate na traysikel drayber sa liblib na lugar sa Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Concepcion, 32, ng Northville 4 sa nabanggit na barangay. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, nahikayat ng suspek ang biktima na makipagkita sa kanya matapos mag-txt ang una. Nadiskubre naman ng ina ng biktima ang naganap na krimen kaya mabilis na naipaabot sa kinauukulang opisyal ng barangay kung saan nadakma ang suspek.

Show comments