Shootout: 3 holdaper bulagta

CAMP OLIVAS, Pampanga

,

Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing mga notoryus na holdaper ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Arayat Bou­levard sa Forest Park sa Angeles City, Pampanga kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Rudy Lacadin, regional officer ng Criminal Investigation and Detection Unit-3, lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang grupong Dan Muslim ay nasa nasabing lugar para magsagawa ng modus operandi.

Kaagad naman inilatag ang checkpoint sa pangunguna ni P/Chief Insp. Fernando Cunanan para matyagan ang mga suspek na sinasa­bing daraan sa nasabing lugar.

Dito na namataan ng CIDG-Pampanga ang mga suspek na lulan ng motorsiklo kung saan imbes na huminto sa checkpoint ay naunang nagpaputok ng baril.

Dito na gumanti ng putok ang mga operatiba ng CIDG kung saan bumulagta ang tatlo habang nakatakas naman ang isa pang suspek na sinasabing sugatan sa shootout.

Kiilala lamang ang tatlong napatay sa mga alyas na Jayson, Bonie, at Bebet habang narekober naman ang dalawang cal. 38 revolver, motorsiklo at patalim.

Ang grupo ng mga na­patay ay sangkot sa serye ng akyat-bahay at holdapan sa Angeles City at karatig bayan sa Pampanga. The Phil. Star News Service

Show comments