^

Probinsiya

Dalagita dinukot, ni-rape

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang 12 anyos na dalagita matapos itong dukutin ay halayin pa ng hindi nakilalang lalaki na humarang sa bata na galing sa pagbili ng pandesal sa panaderya sa Brgy. Guadalupe, Cebu City kamakalawa.

Ang biktimang itinago sa pangalang Giselle ay tulala , punit-punit ang damit at halos hirap lumakad ng matagpuan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod habang naglalakad sa New Imus Road ng nasabing lugar dakong alas-6 ng umaga.

Sa ulat ng Cebu City Police, dakong alas-5 ng umaga habang pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan di kalayuan sa panaderya na binilhan nito ng pandesal nang harangin umano ng hindi nakilalang lalaki at puwersahang isinakay sa motorsiklo.

Base sa salaysay ng biktima sa mga imbestigador ng Women and Childrens Desk ng Cebu City Police, dinala umano siya ng nasabing lalaki sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Mabolo at doon hinalay.

Nagawa namang makatakas ng bata matapos na malingat ang suspek at naglakad sa kalsada hanggang makarating sa New Imus Road sa Brgy. Padilla kung saan ito natagpuan ng mga barangay tanod.

Isinailalim na sa medical examination ng Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktima at patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso.

BRGY

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

GUADALUPE

ISINAILALIM

MASAKLAP

NAGAWA

NEW IMUS ROAD

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

WOMEN AND CHILDRENS DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with