Misis utas kay mister
MAGPET, North Cotabato, Philippines - Binawian na ng buhay ang 35-anyos na misis matapos mapuruhan ng bakal sa ulo na inihampas ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Alibayo sa bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa. Bandang alas-740 ng gabi, tuluyang iginupo ni kamatayan ang biktimang si Vicky Rubino-dela Cruz. Matinding sugat kasi sa ulo at kamay ang tinamo nito matapos hampasin ng bakal ng kanyang mister na si Hilbert dela Cruz dahil sa matinding magselos. Ayon sa isang testigo, dalawang araw bago ang insidente ay nag-away muna ang mag-asawa. ‘Di naman matanggap ng ina ng biktima na si Herlifa Rubino ang sinapit ng anak. Si Hilbert ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya at isasampa ang kasong parricide sa prosecutor’s office.
- Latest
- Trending