Rapist 'sinalvage'

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Hindi binigyan ng pagkakataong mabuhay ang 52-anyos na mangingisdang humalay sa kanyang anak matapos itong saksakin ay inihulog pa sa karagatang sakop ng Barangay Viga sa bayan ng Magallanes, Sorsogon kamakalawa. Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Wilnor Dornelio matapos na lumutang. Nabatid na si Dormelio ng Sitio Balating, Barangay Hubo na inakusahang nanghalay sa sariling anak na babae ay isinilid sa sako bago nilagyan ng bato para hindi lumutang subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalas sa sako ang bangkay.

Show comments