Brodkaster dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dating brodkaster na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Calinan District, Davao City.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Chairman Aldion Narciso ng Barangay Lacson at dating brodkaster sa Bombo Radyo dxRA.

Ang biktima ay napuruhan sa kaliwang leeg kaya nasawi habang ginagamot sa Robollo Hospital.

Base sa imbestigasyon, naganap ang pananambang sa Purok 4 kung saan lulan ng sasakyan ang biktima pauwi na mula sa piyestahan nang sundan at ratratin ng riding-in-tandem.

Isa sa anggulong sinisi­lip ng pulisya ay hidwaan sa pulitikang pambarangay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments