3 lunod sa beach resort

QUEZON, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang dalawang bata ang iniulat na nasawi sa naganap na magkakahiwalay na pagkalunod sa beach resort sa Quezon, kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Valeriano de Leon, unang nalunod ang 7-anyos na si Daniel James Esplana habang naliligo sa Ablawin Beach Resort sa bayan ng Infanta, Quezon. Maging si Jannah Mogato, 6, ng Barangay Cagsiay 2, Mauban, Quezon ay nalunod din matapos tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy na kasama ng pamilya sa Cabana Beach Resort. Sina­wimpalad namang pulikatin hanggang sa malunod si Gilbert Dudas, 17, sa beach resort sa bayan ng Sariaya,Quezon kamakalawa ng hapon.

Show comments