^

Probinsiya

Suspek sa rape slay, dakma

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isa sa apat na pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita matapos masakote sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Ang suspek na si Roberto Ramos Jr. ng Barangay Sta. Rosa II, Marilao, Bulacan ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Wilfredo Nievez ng Malolos City Regional Trial Court Branch 84 sa kasong rape with homicide at walang inirekomendang piyansa. Naging pangunahing testigo sa krimen ang piping si Edwin Bajar kaya nakilala ang iba pang suspek na si Albert Galvez na naaresto noong Hunyo 4, 2011 habang tugis pa ang dalawang suspek na sina Francis Agustin at Carlos Galvez. Base sa tala, hinalay at pinatay ng mga suspek ang dalagita noong gabi ng Nobyembre 19, 2006 sa Barangay Lico, San Rafael, Bulacan.

ALBERT GALVEZ

BARANGAY LICO

BARANGAY STA

BULACAN

CARLOS GALVEZ

EDWIN BAJAR

FRANCIS AGUSTIN

JUDGE WILFREDO NIEVEZ

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MARILAO

ROBERTO RAMOS JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with