Basag-kotse tumba sa shootout

BULACAN, Philippines  - Sa halip na magsisi sa kasalanan at makiisa sa pag-alaala sa panahon ng Semana Santa, isang 52-anyos na miyembro ng Basag-Kotse Gang ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Renato Diaz ng Barangay San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Alfonso Cruz, lumilitaw na kinulimbat ni Diaz ang ilang ari-arian mula sa Toyota Corolla (TGS-463) ni Ronaldo Bayumbon na nakaparada sa gilid ng simbahan sa Barangay Wawa matapos basagin ang salamin nito.

Sa follow-up operation, rumesponde ang pulisya kung saan namataan si Diaz na lulan ng motorsiklo (OI 5805) kung saan sa halip na sumuko ay nakipagbarilan hanggang sa mapatay ito sa bahagi ng Barangay Dalig. Narekober naman ang ilang gamit na ninakaw ni Diaz.

Show comments