^

Probinsiya

Bangka lumubog: lola dedo, 2 nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 63-anyos na lola habang dalawang iba pa ang nawawala matapos lumubog ang pampasaherong bangka sa Lake Mainit sa Barangay Bunga sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte noong Martes ng hapon.

Sa ulat ni Dr. Blanche Gobenciong, administrator ng Office of Civil Defense sa Caraga Region, kinilala ang nasawi na si Melucina Beldimisa habang naisugod naman sa ospital ang sugatang si Susan Janie Beldimisa.

Samantala, ang dalawang nawawala na sinasa­bing nilamon ng malakas na agos ng tubig ay sina Kris Anthony Alimpus, 10; at Kris Antonette Sebian, 36. Nasagip naman ng rescue team ang 24 na pasahero.

Lumilitaw na nagkatuwaan ang mga biktima na mamasyal sakay ng bangkang M/B Lake Cruiser sa  Lake Mainit sa Sitio Sibayugan nang biglang lumakas ang agos ng tubig sa Casili Lakeside Resort sa Mainit, Surigao del Norte.

Gayon pa man, hindi na naisalba ang matandang babae at dalawang iba pa na nawawala.

vuukle comment

B LAKE CRUISER

BARANGAY BUNGA

CARAGA REGION

CASILI LAKESIDE RESORT

DR. BLANCHE GOBENCIONG

KRIS ANTHONY ALIMPUS

KRIS ANTONETTE SEBIAN

LAKE MAINIT

MELUCINA BELDIMISA

NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with