Driver inutas ng 3 pahinante

CAVITE, Philippines  — Napaslang ang driver ng may-ari ng tindahan matapos pagtulungang gulpihin ng kanyang mga kasamahan sa trabaho sa Barangay Alulod, Indang, Cavite kahapon ng umaga. Nabasag ang bao ng ulo ni Danilo “Danny” Hernandez ng Calapan, Mindoro Oriental habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Jerico Cantre, Rico Cantre at isang alyas Esteban na pawang stay-in worker ng CT Sulit General Merchandise. Lumilitaw na nag-away ang biktima at mga suspek kung saan namagitan ang may-ari ng tindahan na si Joel Sulit. Sa pag-aakalang nagkaayos na ang biktima at mga suspek ay iniwan ni Sulit saka pumasok sa tindahan. Makalipas ang 30-minuto ay hinanap ni Sulit ang kanyang driver subalit bumulaga sa kanyang ang duguang biktima na nakahandusay.

Show comments