Sindikato na namemeke ng fertilizer, nabuwag
MANILA, Philippines - Nabuwag ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-Organized Crime Division ang sindikato na namemeke ng fertilizer sa inilatag na serye ng operasyon sa Kamindanawan. Kabilang sa mga bodega na ni-raid ng CIDG, bitbit ang search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court ay ang warehouse ni Edgar Calledo sa Davao Golden Century Compound sa Barangay Maa, Davao City kung saan umaabot sa 1, 300 sako ng fertilizer na hinaluan ng asin ang nasamam.Isinunod ang mga bodega sa Rosemary Street, Agdao, Davao City na narekober ang 210 sako ng fertilizer habang sa R. Castillo, Agdao District, Caloy’s Framers Mart sa Magsaysay Sreet. Maniki, Kapalong, Davao del Norte ay nakumpiska ang 222 sako.Maging sa bahagi ng Sto. Tomas, Davao del Norte ay nakakuha ng 5 sako ng pekeng pataba habang sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ay narekober naman ang 159 sako at sa Datu Piang Mamasalakeg Street sa bayan ng Pikit, North Cotabato at sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat naman ay umaabot sa 67 sakong pataba na peke ang nasamsam.Isinagawa ang serye ng raid sa mga nasabing lugar matapos magreklamo ang mga magsasaka at mga opisyal ng Fertilizer and Pesticides Authority (FPA).
- Latest
- Trending