^

Probinsiya

5 suspek sa pagpatay sa nurse, arestado

- Ni ­Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang limang kalalakihan na sinasabing mga pangu­nahing suspek sa brutal na pagpatay sa 29-anyos na binatang nurse sa Barangay Batal, Santiago City, Isabela.

Pormal na kinasuhan ng robbery with homicide at carnapping ang mga suspek na sina Chris Gaffud, 31; Ronald Morales, 40; Julius Mendez, 42, na pawang nakatira sa Metroville Subdivision, Barangay Rosario, Santiago City; at ang magpinsang sina Armand Alvarez, 31, at Vincent Alvarez, 31, kapwa nakatira naman sa Barangay Plaridel, Santiago City.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Cleto Atluna, hepe ng City Police Station 1, ang mga suspek ay nanloob sa bahay ng biktimang si James Henry Talampas sa bayan ng Echague, Isabela noong Martes ng Marso 27.

Nanlaban ang biktima nang madatnan niyang nag­hahalughog ang mga suspek pagdating nito sa kanyang bahay dakong alauna ng madaling araw.

Bunga nito, pinagtulu­ngang pagtatagain ng mga suspek ang biktima hanggang sa matadtad ang mukha at katawan nito. Napag-alaman din na itinakas ng mga suspek ang Toyota Altis ng biktima patungong Maynila.

Nang masakote ang tatlong suspek sa Santiago City ay ikinanta nito ang

magpinsa Alvarez na kasama nila sa krimen hanggang sa masakote matapos magpaiwan sa Pasay City.

vuukle comment

ARMAND ALVAREZ

BARANGAY BATAL

BARANGAY PLARIDEL

BARANGAY ROSARIO

CHIEF INSP

CHRIS GAFFUD

CITY POLICE STATION

CLETO ATLUNA

ISABELA

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with