^

Probinsiya

Stude tumalon sa bangka, dedo

- Ni Tony Sandoval -

CATANAUAN,QUEZON, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang outing  ng magkakaibigan matapos na mamatay ang isang 14 anyos na batang lalaki nang tumalon sa malalim na bahagi ng karagatang sakop ng Barangay Madulao, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michael Angelo Ballesteros, 1st year high school at residente ng Brgy. 8 Poblacion ng bayang ito.

Ayon kay PO2 Jonjon Pordan, dakong alas-2 ng hapon ay nagkayayaan ang biktima at kanyang mga kaibigan na mag-outing bilang selebrasyon sa pagtatapos ng kanilang klase.

Humiram umano ang mga ito ng bangka at nagtungo sa dagat na may lalim na 6 na talampakan pero dahil hindi marunong lumangoy ang biktima ay nalunod.

Narekober naman ang bangkay ng biktima bandang alas-7:30 ng gabi.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MADULAO

BIKTIMA

BRGY

HUMIRAM

JONJON PORDAN

KINILALA

MICHAEL ANGELO BALLESTEROS

NAREKOBER

NAUWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with