Trak ng Dole Phils. sinabotahe

MANILA, Philippines - Muli na namang naghasik ng lagim ang mga rebeldeng New People’s Army matapos pasabugan ng landmine ang sprayer truck ng Dole Philippines sa highway ng Barangay Anahao Daan sa bayan ng Tago, Surigao del Sur kamaka­lawa. Sa ulat ni Army’s 4th Infantry Division spokesman Major Eugenio Julio Osias IV, naganap ang insidente bandang alas-8 ng umaga habang bumabagtas ang Martigani sprayer truck nang sumabog ang landmine ng mga armadong rebelde na pinamumunuan ni alyas Ka Mitchie ng NPA Guerilla Front 19B. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng panununog.

Show comments