Pugot na ulo nilaro ng aso

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang naaagnas na pugot na ulo ng tao ang natagpuang nginangatngat at pinaglalaruan ng mga aso sa Barangay Maynganay sa bayan ng Santa Maria, Ilocos Sur kamakalawa. Positibo namang kinilala ng sariling ina na ang pugot na ulo ay sa kanyang anak na si Ferdinand Romero. Bunga ng pagkakadiskubre ng ulo, natagpuan din ng pulisya ang iba pang bahagi ng tsap-chop na katawan ng biktima sa gitna ng plantasyon ng tubo sa nasabing lugar. Base sa police blotter na ang biktima ay napaulat na nawawala noon pang Lunes ng Marso 5 habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagkakamatay ng biktima.

Show comments