^

Probinsiya

Killer ng police colonel timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na itinuturong responsable sa pananambang at pagkakapatay sa isang colonel ng pulisya noong 2009 sa Bicol Region sa isinagawang follow-up operation sa San Pedro, Laguna kamakalawa.

 Batay sa ulat, kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang nasakoteng suspek na si Allan Serrano alyas Ka Bunso, 31, miyembro ng CPP-NPA Komiteng Pamprobinsiya ng Albay.

 Sinabi ni Cruz na bandang ala-1 ng hapon ng masakote ng pinagsanib na elemento ng San Pedro Police Station sa pamumuno ni Sr. Inspector Jaime Pederio at Albay Provincial Public Safety Company (PPSC) sa ilalim ng superbisyon ni San Pedro Police Chief P/Supt. Kirby John Kraft sa USBS  Brgy. San Antonio sa bayan ng San Pedro.

 Hindi na nakapalag ang suspek matapos mapalibutan ng arresting team ng pulisya sa nasabing operasyon.

 Sa tala, sinabi ni Cruz na ang suspek ay responsable sa pananambang at pagkakapatay kay Supt. Gregorio Guarin, Acting Chief ng Police Human Resource and Development Division (PHRDD) noong Mayo 2, 2009 sa Brgy. Tula-Tula, Legaspi City.  

ACTING CHIEF

AGRIMERO CRUZ JR.

ALBAY PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

ALLAN SERRANO

BICOL REGION

BRGY

CRUZ

GREGORIO GUARIN

KA BUNSO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with