Trike driver lasog sa tren

MANILA, Philippines - Nakipagkarera kay kamatayan ang traysikel driver matapos masalpok at makaladkad ng tren sa bahagi ng Barangay Uno sa bayan ng Cabuyao, Laguna kamaka­lawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz Jr., Laguna PNP director ang nasawing biktima na si Raul Ricamora. Sugatan namang naisugod sa ospital ang dalawang pasahero ng trike na sina Elena Quijano at June Hernandez. Bandang alas- 5:30 ng umaga nang magpumilit na tumawid ang tricycle ni Ricamora sa riles kahit bumubusina na ang paparating na tren na may rutang Maynila. Sa lakas ng pagkakabangga ay napisak ang biktima habang sugatan naman ang dalawa nitong pasahero.

Show comments