9-anyos nabagsakan ng iron slide, pisak
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napisak ang 9-anyos na batang lalaki matapos mabagsakan ng iron slide sa children’s park sa Barangay Nungnungan, Cauayan City, Isabela kamakalawa.
Bunga nito, nagtuturuan ngayon kung sino ang may sala sa pagitan ng City Social Welfare and Development Office at ng mga opisyales ng nabanggit na barangay kaugnay sa nasabing donated na iron slide ng DSWD.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Alfred Aquino, Grade 4 pupil sa Nungnungan Elementary School.
Nabatid na natumba ang iron slide kung saan nadaganan ang biktima habang naglalaro ito sa playground.
Sinisisi naman ng pamunuan ng DSWD sa pamumuno ni City Social Welfare Officer Lolita Menor ang mga opisyal ng barangay sa hindi nila pag-sesemento sa nai-deploy nilang playground facilities.
Ayon naman kay Barangay Chairman Leopoldo Aquino, kaanak ng biktima; basta na lamang iniwan ng DSWD ang mga playground facilities sa kanilang lugar ng walang kaukulang kasulatan o formal turnover.
- Latest
- Trending