May-ari ng dance studio nilikida

BATANGAS ,Philippines  - Nagwakas ang pagiging may-ari ng dance studio ng 30-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sa bayan ng Rosario, Batangas kamakalawa ng tanghali. Nasapol sa ulo at dibdib ang biktimang si Allan Ramos ng Barangay Namunga sa nasabing bayan at may-ari ng Dance Magazine Studio. Ayon sa police report, kausap ni Ramos ang pinsan nito sa loob ng kanilang dance studio nang biglang pumasok at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki na sinasabing nagpanggap na kliyente bandang alas-12:45 ng hapon. Naisugod pa sa Sto. Rosario Hospital ang biktima pero idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments