Ama dedo sa suntok ng anak
TUGUEGARAO CITY ,Philippines - Isang 62-anyos na ama ang napatay ng kanyang anak na lango sa alak makaraang suntukin sa mukha at mabagok ang ulo nito sa semento sa Barangay Bacnor East sa bayan ng Burgos, Isabela kahapon.
Naisugod pa sa ospital subalit namatay din ang biktimang si Antonio Isias Sr. habang naaresto naman ang suspek na si Antonio Isias Jr. na kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na umawat ang biktima sa pag-aaway ng suspek at misis nito kung saan sa sobrang pagkalango sa alak ay napagbalingang suntikan ang kanyang ama.
Bumulagtang nangingisay ang biktima kung saan nahimasmasan naman ang suspek matapos makita ang kanyang ama na duguan.
Mabilis namang isinugod ng suspek ang kanyang ama sa ospital sa Santiago City subalit binawian na ito ng buhay.
Sising-alipin naman ang suspek sa ginawang krimen laban sa kanyang ama habang inihahanda na ang kaukulang kaso. Dagdag ulat ni Joy Cantos
- Latest
- Trending