11-anyos naabo sa sunog

QUEZON, Philippines - Nasawi ang 11-anyos na special child matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni SF1 Noriel Banaag, nasa sala ng bahay si Nacy Salubayba nang makarinig ng putok mula sa kanilang master bedroom. Mabilis na tinungo ni Salubayba ang kanilang kuwarto upang tingnan ang kalagayan ng anak na si Clarisse Salubayba subalit sinalubong na siya ng malakas na dila ng apoy pagsapit sa pintuan. Wala namang nagawa ang ina ng biktima kundi tumangis at nang maapula ang apoy ay lumantad ang sunog na katawan ng kanyang anak.

Show comments