^

Probinsiya

Army vs Abu: 5 bulagta, 3 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalagasan ng apat na bandido ang grupo ng Abu Sayyaf matapos makasagupa ang tropa ng militar kung saan isa sa mga sundalo ang nasawi sa naganap na muling bakbakan sa kagubatan ng Sumisip, Basilan noong Huwebes.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Ricardo Visaya, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade, isang Private 1st Class ang iniulat na napatay habang ang mga nasugatan ay tinukoy lamang sa mga apelyidong  Pfc Resultan, Pfc Subito at Pfc Sagaysay na pawang nakatalaga sa 4th Scout Ranger Battalion sa ilalim ni Lt. Col Armand Arevalo.

Ang apat na nasawing bandido na nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng Army’s 12th Scout Ranger Company at 10th SRC ay mula sa grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Sumiklab ang bakbakan bandang alas-11 ng umaga sa kabundukan ng Ba­rangay Baiwas sa bayan ng Sumisip.

Nagsitakas naman sa timog silangang bahagi ang mga bandido na nasabat naman ng blocking force ng 10th Scout Ranger ­Company habang bitbit ang mga bangkay ng kanilang apat na kasamahan kung saan muling nagkaputukan bandang alas-4:50 ng hapon.

Dito na nasugatan ang apat na sundalo ng Scout Ranger kung saan isa sa mga ito ang nasawi habang ginagamot.

Sa tala ng militar, ang Abu Sayyaf na namayagpag noong dekada ‘90 ay sangkot sa serye ng kidnapping for ransom, pamumugot sa mga bihag at mga sundalo, pambobomba at pananambang.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

COL ARMAND AREVALO

INFANTRY BRIGADE

PFC RESULTAN

PFC SAGAYSAY

PFC SUBITO

RICARDO VISAYA

SCOUT RANGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with