Hagdanan ng BFP sinikwat

BATANGAS CITY, Batangas, Philippines - Wala nang pinipili ang mga magnanakaw sa Batangas kung saan maging ang mamaha­ling hagdanang bakal ng truck ng Bureau of Fire Protetion ay kinulimbat sa Batangas City kamakalawa. Ayon sa police report, nakaparada ang firetruck ng Batangas City fire department (NNQ-511)  sa harap ng Rizal Avenue sa Barangay 20 nang madiskubreng nawawala na ang hagdanan na nagkakahalaga ng P30,000. Sasailalim naman sa masusing imbestigasyon ng Internal Affairs Services ng BFP ang mga tauhan ng Batangas City Fire Department kung saan mahaharap sila sa kasong administratibo kaugnay sa naganap na nakawan. Humingi na rin ng ayuda ang ilang opisyal ng Batangas City BFP sa pulisya para imbestigahan ang naganap na insidente. 

Show comments