Anak nag-suicide sa pagkamatay ng ama

DASOL, Pangasinan, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang anak na lalaki matapos magbaril sa sarili dahil hindi matanggap ang pagpanaw ng kanyang ama sa Sitio Pantol, Barangay Macalang sa bayan ng Dansol, Pa­ngasinan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Leonardo Bain Jr. kung saan huling namataan ng kanyang mga kaanak na naghihimutok sa sulok ng kanilang tahanan matapos yumao ang kanyang ama na si Leonardo Bain Sr.

Nabatid na matindi ang pagmamahal ng biktima sa kanyang ama dahil sa ginawang pag-aaruga sa kanya simula pa noong kanyang kabataan.

Nasaksihan naman ng lolo na si Norberto Mirador, 85, ang ginawang pagbaril sa sarili ng kanyang apo na gumamit ng improvised gun.

Narekober naman ng mga imbestigador ng pulisya ang baril na ginamit ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon. The Phil. Star News Service

Show comments