Mag-utol nagpatayan dahil sa lupa

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa minanang lupain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 49-anyos na mister ang kanyang nakababatang kapatid sa Barangay Sabang, Cabugao sa Ilocos Sur ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Napuruhan ng bala ng cal. 38 revolver sa ulo ang biktimang si Renato Valete Tindoc habang tugis naman ang suspek na si Kagawad Fernando Valete Tindoc, 47, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report, lumitaw na binabakuran ng biktima ang kanyang lupain na katabi ng lupa ng kanyang utol nang komprontahin ng suspek.

Dito na nagalit ang suspek kung saan pinagbabaril ang sariling kapatid habang inihahanda ng pulisya ang mga kaukulang ebidensya para kasuhan ang suspek.

Show comments