Inakusahang kawatan, nanunog ng bahay

TUGUEGARAO CITY ,Philippines –Dinamdam ng isang 60-anyos na matandang babae ang akusasyon ng isa sa kanyang mga anak na siya ang nagnakaw ng cell phone kaya naman sinunog nito ang kanilang tahanan sa Barangay Buttong, Laoag City, Ilocos Norte kamaka­lawa. Ang suspek na lola na itinago ng pulisya ang pagkakakilanlan ay namataan ni Barangay Kagawad Moises Palafox na sinisigaan ang harapan ng tahanan bago lumayo bitbit ang bag ng damit. Ayon sa pulisya, may deprensya sa pag-iisip ang lola kaya nagawa ang panununog kung saan naapula naman ang apoy bago pa madamay ang ibang bahay.

Show comments