^

Probinsiya

Chopper sumadsad: 7 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pito-katao ang iniulat na nasugatan matapos na sumadsad ang helicopter ng Phil. Air Force sa bahagi ng Barangay Bangayan sa bayan ng Kitcharo, Agusan del Norte kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni Lt. Col. Miguel Ocol, spokesman  ng Philippine Air Force, naganap ang insi­dente bandang alas-10:30 ng umaga kung saan sumadsad ang chopper na may tail number 317.

Pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga sugatan kabilang na ang dalawang piloto, dalawang crew at tatlong sundalo ang sakay ng nasabing helicopter para sa kapakanan ng kani-kanilang pamilya.

Ayon pa kay Ocol, nagtamo lamang ng mga minor injuries ang mga biktima at nasa maayos na kalagayan habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng 205th Tactical Helicopter Wing ng Phil. Air Force.

vuukle comment

AGUSAN

AIR FORCE

AYON

BARANGAY BANGAYAN

KITCHARO

MIGUEL OCOL

NORTE

OCOL

PHILIPPINE AIR FORCE

TACTICAL HELICOPTER WING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with