ULACAN ,Philippines – Arestado ang dalawang sibilyan matapos makumpiskahan ng baril sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinasuhan na ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. ang mga suspek na sina Bonifacio Valleser, 49, karpintero, ng Brgy. Lawa sa Meycauayan City; at Romualdo Ramos, 28, ng Brgy. Caingin sa bayan ng San Rafael. Si Valleser ay nakumpiskahan ng cal. 38 revolver na walang kaukulang papeles sa bisinidad ng Barangay Lawa. Samantala, si Ramos na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan naman ay nasakote matapos nagbenta ng cal. 45 pistol sa Barangay Caingin.