^

Probinsiya

Pabrika nasunog: 3 dedo, 4 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong sibilyan habang apat iba pa ang nasugatan matapos masunog ang ilang kabahayan sa Barangay Poblacion Pardo sa Cebu City, Cebu  kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Rosalie Tagacanao, 30; Rap Dolalia, 12; at isang mister na hindi natukoy ang pagkakakilanlan habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatan

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang sunog dakong alas-9:58 ng umaga sa Upper Luisimba kung saan aabot sa 22 kabahayan ang tinupok ng apoy.

Nabatid na ang apoy ay sinasabing nagmula sa pabrika ng yantok kung saan mabilis na kumalat sa kalapit na bahay na gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Gayon pa man, naapula naman ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero.

Sa tala, ang naganap na sunog ay ikaanim sa buwang ito na Fire Prevention Month kung saan noong Biyernes ay aabot sa 2, 170 katao ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa Barangay Suba.

BARANGAY POBLACION PARDO

BARANGAY SUBA

BIYERNES

CAMP CRAME

CEBU

CEBU CITY

FIRE PREVENTION MONTH

RAP DOLALIA

ROSALIE TAGACANAO

UPPER LUISIMBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with